PANAHON NG ESPANYOL
Kristiyanismo – ito ang layunin ng mga Espanyol na ikintal sa mga
Pilipino sa kanilang pananakop.
Pagano, Barbariko, Di-sibilisado – ito ang paglalarawan ng mga
Espanyol sa mga Pilipino.
Katutubong Wika – ang ginamit ng mga Espanyol sa pagpapatahimik ng mga
mamamayan. Pinag-aralan nila ito at ginamit noong una sa pagpapalaganap ng
Kristiyanismo.Paghahati ng mga isla ng pamayanan – ito ang unang ginawa ng mga
Espanyol upang mapabilis ang kanilang layunin.
Limang orden
ng Misyonerong Espanyol
1. Agustino
2. Pransiskano
3. Dominiko
4. Heswita
5. Rekoleto
Gob. Tello –
nagmungkahi na turuan ang mga indio ng Wikang Espanyol.
Carlos I at
Felipe II – naniniwalang kailangang maging billinguwal ang mga Pilipino. Gagamitin nila ang katutubong Wika at
Espanyol.
Carlos I –
nagmungkahi na ituro ang Doctrina Christiana gamit ang Wikang Espanyol.
Doctrina
Christiana – isang maagang
aklat ng Romano Katoliko katesismo, isinulat ni babaganJuan de Plasencia, at ay pinaniniwalaan na isa sa
pinakamaagang mga libro na nakalimbag saPilipinas, sa 1593.
Marso 2,
1634 – muling inulit ni Felipe II ang kanyang utos na turuan ng Espanyol ang
mga indiyo.
Carlos II –
lumagda ng isang deskrito tungkol sa pagtuturo ng Wikang Espanyol.
December 29,
1972 – lumagdas si Carlos IV ng deskrito na nag-uutos na gamitin ang Wikang
Espayol sa lahat ng paaralan.
PANAHON NG
REBOLUSYONG PILIPINO
300 taon – sinakop ng Espanyol ang Pilipinas.
1872 – nagkaroon ng kilusan ang propagandista. Ito ang simula ng paghihimagsik.
Andres Bonifacio – itinatag ang Katipunan.
Wikang Tagalog – ang ginagamit sa kautusan at pahayagan ng katipunan.
Isang Bansa, Isang Diwa laban sa mga Espanyol – ang sumibol sa
kaisipan ng mga Pilipino sa panahong ito.
Konstitusyon ng Biak na Bato – pinagtibay noong 1899.
-
Ito ang unang kongkretong pagkilos ng mga
Pilipino laban sa mga Kastila.
Tagalog – ginawa nilang opisyal na wika bagamat walang isinasaad na
ito ang magiging Wikang Pambansa.
Riza at mga Propagandista – nakabatid na ang wika ay malaking bahagi
upang mapagbuklod ang mga kababayan nila.
Aguinaldo – ang namuno sa Unang Republika. Ginawa niyang opsiyonal ang paggamit ng
Wikang Tagalog.
PANAHON NG AMERIKANO
Almirante
Dewey - namuno sa mga Amerikanong
dumating sa Pilipinas.
Wikang
Ingles – ginamit na Wikang Panturo at Wikang Pantalastasan mula sa antas
primarya hanggang sa kolehiyo sa panahon ng mga Amerikano.
Jacob
Schurman – ang namuno sa komisyong naniniwalang kailangan ng Ingles sa
edukasyong primary. Batas Blg.
74 – itinakda ng komisyon noog Marso 21, 1901 na nagtatag ng mga paaralang
pambayan at nagpahayag na Ingles ang gagawing wikang panturo.
Reading,
Writing & Arithmetic (3R’s)) – ang binigyang-diin sa pagtuturo subalit
nahihirapan ang mga guro sa pagpapaunawa sa mga mag-aaral
kaya ipinagamit ang bernakular bilang wikang pantulong.
Ipinagbawal
ang paggamit ng Wikang Bernakular at tanging Wikang Ingles nalang ang
ipinagamit naWika ng Panturo nang mapalitan ang director ng kawanihan ng edukasyon.
Service
Manual ng Kawanihan ng Edukasyon – nagsasaad na tanging Ingles lamang ang dapat
gamitin sa pag-aaral, sa bakuran ng paaralan at sa gusali ng paaralan.
Mga sundalo
– ang unang nagturo ng Ingles at sumunod ang grupong Thomasites.
Bise
Gobernador Heneral George Butte – Kalihim ng Pambayang Pagtuturo sa apat na
taong pag-aaral noong 1931. Sinabi niyang hindi
kailanman magiging wikang pambansa ng mga Pilipino ang Ingles dahil hindi ito ang wika ng tahanan.
Jorge Bocobo
at Maximo Kalaw – sumang-ayon sa sinabi ni Butte.
Mga Dahilang
Nagtataguyod sa Paggamit ng Ingles
1. Ang
pagtuturo ng bernakular sa mga paaralan ay magre-resulta sa suliraning
administratibo. Mahihirapang lumipat ang
mga mag-aaral sa iba-ibang pook dahil iba-iba ang itinurong wika sa ibang
rehiyon.
2. Ang
paggamit ng bernakular sa pagtuturo ay magdudulot lamang ng rehiyonalismo sa
halip na nasyonalismo.
3. Hindi
magandang pakinggan ang magkahalong Ingles at Bernakular.
4. Malaki
na ang nagasta ng pamahalaan sa paglinang ng wikang Ingles upang maging wikang
Pambansa.
5. Ingles
ang nakikitang pag-asa upang magkakaroon ng pambansang pagkakaisa.
6. Ingles
ang wika ng pandaigdigang pangangalakal.
7. Ang
Ingles ay mayaman sa katawagang pansining at pang-agham.
8. Yamang
nandito na ang Ingles ay kailangang hasain ang paggamit nito.
Mga Dahilang
Nagtataguyod sa Paggamit ng Bernakular
1. Pagsasayang
lamang ng panahon at pera ang pagtuturo ng Ingles dahil wala itong kinalaman sa
kanilang sosyal at praktikal na pamumuhay.
2. Magiging
epektibo ang pagtuturo sa primary kung bernakular ang gagamitin.
3. Tagalog
ang nararapat na pipiliing Wikang komon sapagkat isang porsyento lamang ng
tahanang Pilipino ang gumagamit ng Ingles.
4. Hindi
magiging maunlad kung Ingles ang gagamitin sa pagtuturo dahil hindi naman
natututo ang mga mag-aaral kung paano malulutas ang mga problemang kakaharapin
nila.
5. Ang
paglinang ng wikang Ingles bilang wikang pambansa ay hindi nagpapakita ng
nasyonalismo.
6. Nararapat
lamang na magsagawa ng mga bagay para sa ikabubuti ng lahat katulad ng paggamit
ng bernakular.
7. Walang
kakayahang makasulat ng klasiko sa Wikang Ingles ang mga Pilipino.
8. Hindi
na nangangailangan ng mga kagamitang panturo upang magamit ang bernakular,
kailangan lamang na ito ay pasiglahin.
Henry Jones Ford –nagsagawa ng unang
pagsisiyasat sa pagtuturo gamit ang Ingles.
Kanyang
natuklasan na ang
Ingles ay kay hirap makilala na Ingles na nga.
Saleeby – iginiit niya na makabubuti ang magkaroon ng isang wikang
pambansang hango sa katutubong wika nang sa gayon ay maging malaya at mas
epektibo ang paraan ng edukasyon sa buong bansa.
PANAHON NG HAPONES
Mga Naganap
sa Wika sa Panahon ng Hapones
Ø
Nagkaroon ng pagsulong ang wikang pambansa
Ø
Ipinagbabawal ang paggamit ng Ingles sa anumang
aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino.
Ø
Ipinagbabawal ang paggamit ng mga aklat at
peryodiko mula sa Amerika.
Ø
Ipinagagamit ang mga katutubong wika lalo na ang
Tagalog.
Ø
Namayagpag ang Panitikang Tagalog
Ø
Itinuro ang Wikang Nihonggo sa lahat ng paaralan
subalit binigyang-diin ang Wikang Tagalog.
Ø
Naging masiglang talakayan ang tungkol sa Wika.
Ordinansa
Militar Blg. 13 – Ipinatupad ng mga Hapones.
-
Ito ay nag-uutos na gawing opisyal na wika ang
Tagalog at Nihonggo.
Philippine
Executive Commission – itinatag upang magtaguyod ng patakarang military ng mga
Hapones at propagandang
pangkultura.
Jorge Vargas
– namuno sa Philippine Executive Commission.
KALIBAPI o
Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas – may layuning mapabuti ang
edukasyon at moral na rehenerasyon at pagpapalakas
at pagpapaunlad ng kabuhayan sa pamamatnubay ng imperyong Hapones.
Benigno
Aquino – ang nahirang direktor ng KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilingkod sa
Bagong Pilipinas.
Pagpapalaganap
ng Wikang Pilipino – ang pangunahing proyekto ng Kapisanan, katuwang nila ang
SWP.
Tatlong
Pangkat na Namamayagpag sa Usaping Pangwika sa Panahong ito:
- Pangkat ni Carlos Ronquillo
- Pangkat ni Lope K. Santos
- Pangkat nina N. Sevilla at G.E. Tolentino
Jose Villa
Panganiban – nagturo ng Tagalog sa mga Hapones at di-Tagalog.
Sanggunian:
Dayag, Alma M. at Del Rosario. Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City. Phoenix Publishing House Inc.2016.